Most Unforgettable Moment sa CavSci

Page 1 of 3 1, 2, 3  Next

Go down

Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  wau on Mon Aug 31, 2009 1:29 pm

Isa ka bang cavsci04? Marami ka bang mga karanasan? Halina at ilahad ang iyong mga di malilimutang karanasan noong nasa high school ka p lamang!!!
avatar
wau
"pinaka" The Best magpost

Number of posts : 205
Age : 31
Registration date : 2007-12-30

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  paula on Mon Aug 31, 2009 4:08 pm

naks naman...

marami eh. hehe. lahat unforgettable..=)
avatar
paula
Adik magpost

Number of posts : 44
Age : 30
Registration date : 2008-02-18

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  dope on Mon Aug 31, 2009 6:45 pm

nice topic man. oo naman, daming karanasan sa sayans e. hehehe
avatar
dope
Pogi

Number of posts : 149
Age : 30
Location : SA BRIEF KO, nakasakay
Registration date : 2007-12-22

View user profile http://racobarrubia.multiply.com

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  pat on Mon Aug 31, 2009 7:16 pm

be specific dapat.. marami tlga pero explain sna natin in detail..

eto akin...

nung first year... niligawan ko si mica.. akalain mong nabulag sakin at sinagot ako.. haha.. sobrang sweet nyan.. and very caring.. tataka nga ako bat ko pa pinakawalan eh.. haha.. kaya swerte ni diov jan.. hehe
tapos.. nung habang nagkaklase si mam macaranas, pumasok si mam pareja sa classroom kasama si mei mei.. tapos dinemonstrate ni mam pareja kung pano umikot yung sun sa solar system.. tapos ako si tanga, kumanta ba nman ng "dancing queen".. pero sobrang hina lang.. wala ngang nakarinig eh.. eh narinig pala ni mam pareja! ayun! paktay! napatawag tuloy ang kuya ko at tatay ko ng di oras! nyahahaha!

nung second year naman... na-inlove ako kay olive... dahil dun.. nakaaway ko tuloy si pareng jc.. umepal kasi ako.. haha.. (peace pare).. sensya na pre nagmahal lang..^^ tapos isang araw, pinalayas kami ni sir villaluz sa classroom.. ayun.. naging street-children kami lahat nina dope.. pakalat-kalat.. haha (nakalimutan ko na yung dahilan.. di ata kami naglinis)

nung third year naman.. pinagkatiwalaan nyo ako na mamuno para sa ika-uunlad ng Cavite National Science High School.. pinalad naman at nanalo sa SSG.. salamat sa lahat ng tiwala nyo dati! ^^

tapos nung fourth year... nung officer ako sa CAT, muntik na ko malate sa flag ceremony.. pagpasok ko sa gate ng sayans... naka-abang si sir tom.. nakalimutan ko ba namang sumaludo at mag "Gudmorning Sir!" kaya ayun... maghapon magdamag akong paulit-ulit na sumaludo sa pader at nagsasabi ng "Gudmorning Sir!" nyahahaha!

and siyempre.. bawat segundo na magkakasama tayo dati ay unforgettable para sa akin.. (cheesy no?) haha.. pero totoo un.. Wink
avatar
pat
Puge

Number of posts : 125
Age : 31
Location : Naic Cavite
Registration date : 2007-12-08

View user profile http://patpa3ck.multiply.com

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  celvito on Mon Aug 31, 2009 8:37 pm

1st year, masaya, meron pang nabuong grupo, DMPACT.. wahehehe masaya rn kauna unahang intrams, basta n ko npasali sa sepak kahit d ako marunong, kasi wala ako mapiling laro, wala akong hilig sa sports. tapos science camp. swerte ng batch naten, tau bunso sa 20th anniv ng CNSHS, science camp.lols

2nd year, si Tampol lage ko ksama, tska si carlo. tpos dun nagsimula ung tropa namen nila pipay, pero nung 4th yr n naging close. naalala ko nagbilyar kami nla carlo sa naic nung lunch break, kasi walang klase, pero kelangan mag linis sa biotech garden ata un, o botanical, bata dun sa may tabi ng canteen. kaso nahuli kami nung bantay sa gate, late kami dumating, pinatawag ni mam climacosa parents namen. wahaha tpos nung ding araw n un, namaltok ako sa botanical garden, kamalas nmn si patrick tinamaan ko, sa gilid pa ng ulo, nag tago ako sa isang troso, pero sa laki ko, nakta ako ni patrick, wahahahha sinuntok ako, takot ako e. hahahah pero nakpagbati nmn agad, bait mo tlga papa patrick, labyu.

3rd year, 3h, msasabi kong pinakamasayang year ko sa cnshs, kasi kahit e2 raw ung pnakamahirap na year level, dami p rn bonding moments. rover moot. kantahan sa classroom, gitarista si arjen. tpos nanonood ng nsync concert. lol si buchi president, san k pa. hahahahha tpos andun pa si jairah, magulo masaya. lol at may science camp ulet

4th year naadik n ko d2 sa ragna. aun babagsakin na grades. lol pero masaya tlga year na to. kuya na ng mga lower years. lol at mas maraming tambay time. at ang makasalanang kubo sa may likod ng 4th year building. dami kagaguhan dun. may classmate pang nagyoyosi dun. di ko pla classmate. hahah di ko rn mkakalimutan ang research, lageng naalis ng school, mag coconduct ng experiment sa kung saang lab, tpos derechong mall. wahahha field trip every week >.< amf at nung nahuli kami ni buchi naglalaro ng sepak sa english time. amf daya, si buchi di pmunta magulang pero close p rn sila ng adviser namen. ako ayaw kausapin hangang di napunta ang inay ko. tsk tsk un lang...
avatar
celvito
Mas adik magpost

Number of posts : 66
Registration date : 2008-02-07

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  wau on Tue Sep 01, 2009 3:05 pm

Ang mga Pangyayari sa Hayskul sa Buhay ni Wau Cute

Halina at subaybayan ang masayang buhay ni Wau Cute sa pagpasok nya sa hayskul.

Bata pa lamang si Wau Cute ay likas na ang kanyang talino. Kaya naman siya ay nakapasok sa Cavite National Science High School. Sa kanyang unang taon, akala niya ay puro mga NERDS ang magiging kaklase nya sa nabanggit na paaralan. Ngunit siya ay nagkamali nang makilala nya ang dalawang namumukod tanging mga kaibigan na si Dope at Patrick. Naging mga matalik na magkakaibigan sila. Ayon sa kanyang mga karanasan, hindi nya malilimutan noong mga panahon na un na nandaraya xa ng pirma sa mga takdang-aralin. Ito ay sa kadahilanang nasa isang papel ang maraming pirma na ginawa ng kanyang ina at ito ay kanyang ginugupit na lamang at idinidikit sa kwaderno matapos mangopya. nyahahaha! astig! Hindi rin nya malilimutan ang pagsabi ni Patrick ng Dancing Queen kay Ma'am Pareja.

Sa kanyang ikalawang taon, hindi nya lubos maisip na 0.02% lamang ang lamang ni Gem sa kanya. Dahil dito siya ay napatapon sa magulo ngunit masayang section ng 2-H. Dito ay naging Dance Troop Member xa dahil kay Ma'am May. Hindi nya malilimutan ang mga panahon kung saan kapareha nya si Esper na mabigat at mahirap dalhin! (LOLZ) At ang isa pa ay ang paggawa nila ng background ng Florante at Laura na ubod ng saksakan ng laki na sakop buong stage (kasama si Tan C. at Dope). Amazing isn't it?!

Ang ika-tatlong taon nya ay masasabi nyang pinakamasaya dahil sadyang aktibo ang kanyang mga kasama sa silid-aralan. Hindi nya malilimutan ang mga pag-arte na sa sobrang tuwa ni Ma'am Nazareno ay pina-arte nlng sila ng pina-arte. At lalo na ung time na sumali xa sa COCC at isang hapon ay nasabi nya kay Sir Tom na tinatamad xa kaya ayaw nya sumama sa Rover Moot. Dahil dun ay itinapon ni Sir Tom ang kanyang tag kasama ang ID (na napulot pala ni Mailene) at napatiwalag xa sa COCC ng wala sa oras. Ngunit dahil sa kanyang dedikasyon at pagpupursigi ay nakipag-usap xa kay Sir Tom upang magbalik sa COCC. Dahil dito siya ay pumasok ng 5am sa paaralan at nagsimulang tumakbo, magpush-up, skwatras, duck walk at kung ano ano pa. Dito rin sa araw na ito naganap ang pagsaludo ni Patrick sa pader (NYAHAHAHAHAHAHAH)!

Sa ika-apat na taon siya ay naging aktibo na parang laging nakadroga. Gumawa xa ng research na di nya naman alam kung ano kahihinatnan pero nakapasa xa (Leaves Shredder LOLZ). At naging Pinuno rin xa ng Pulutong ng 1-F. Ang Siyensya Kampo (Science Camp) ang kanyang di pinakamalilimutan sa lahat. Kasi ang kyut nya tapos ang lufet nya pa dito. ALABIT! Nagwagi sila mula sa mga kalaban at hinawa ang mga hadlang sa kanilang daraanan. Ang lufet diba?

At yan ang buhay ni Wau Cute sa Hayskul. Mahaba pa dapat pero baka mapansin na xa ng boss nya na nagtatayp ng i-popost at machukchakchenes pa xa sa trabaho! Kaya next time nalang ulit!


aytengkyubaw
avatar
wau
"pinaka" The Best magpost

Number of posts : 205
Age : 31
Registration date : 2007-12-30

View user profile

Back to top Go down

???

Post  phrangckoh_sabaw on Wed Sep 02, 2009 11:03 am

first yr (I-F): pressure gadgets.. (makakalimutan nio ba ito???)
: si bugayong nakaaway ko nung 1st yr

second yr (II-F): ako bilang EMIR sa dulang pinamagatang: "karumaldumal na pakikipagsapalaran ni florante at laura???" (basta ganun) hahah
:si lindbergh nakaaway ko nung 2nd yr

third yr (III-F): super cutting classes.. nuod ng WCSU.. aun suspended 3 dayz..
:maroon hackerz (go hackerz!!!!)
: si Bon kaaway ko nung 3rd yr
: MAGLINIS!!!!!!!!!!!!!!!!

lahat ng umaway xakin napatalsik,... hehe.. peace!!

fourth yr (IV-H): talipusngo tragedy(peace neil an at fricx.. hehehe! payabang xe)
: SALIW dance troupe.. dakilang lahi.. hahaha
: sound room!! walang flag ceremony.... hahaha
:happy half dayz... bounce bounce cheers
: un pang pizza ni maam weng.. hehehe

saka sino ba naman ang makakalimot sa napaka tinding JUNIOR-SENIOR PROM!!!!!!

un lng... hahahaha!!

iicipin q p ung iba..

nakalimutan q n ung mga unforgatable moments eh..hehehe
avatar
phrangckoh_sabaw
Walang magawa sa buhay

Number of posts : 174
Age : 30
Registration date : 2008-01-27

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  manrei_muymuy on Thu Sep 03, 2009 8:56 pm

hahah hinayupak. Very Happy Very Happy sakit ng tyan ko kakatwa habang binabasa mga post nyo Laughing Laughing saka na ko mag poost ng saken...
avatar
manrei_muymuy
Medyo active sa cavsci04

Number of posts : 34
Age : 30
Location : QC
Registration date : 2008-01-08

View user profile http://muymuy021.multiply.com

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  dope on Sat Sep 05, 2009 1:13 pm

nung 2nd year tayo, naki jebs ako sa classroom ng I-N (kila jayreus and pongid) hehehe.
avatar
dope
Pogi

Number of posts : 149
Age : 30
Location : SA BRIEF KO, nakasakay
Registration date : 2007-12-22

View user profile http://racobarrubia.multiply.com

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  wau on Sat Sep 05, 2009 4:24 pm

nalimutan ko pala nabanggit ung pinakamalufet na exam ko nung 2-H kasi may exam tapos natatae ako, minadali ko ung exam sa filipino tapos lumabas na ako para tumae. Pagbalik ko ako highest sa exam lolz! ang lufet! tae is the best!
avatar
wau
"pinaka" The Best magpost

Number of posts : 205
Age : 31
Registration date : 2007-12-30

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  paula on Sat Sep 05, 2009 9:19 pm

ok fine.. be specific.. hmmm

1st year - 1-F. nabuo ang DMPACT. naging close kami ni mam espi. niregaluhan pa ko nung bday ko dati. hehe. tapos cleaner ako ng cr.. partner ko si ayla kaya kami naging magbestfriends. hehe. tapos naging jowa niya si tan p. na kontra pa ko dati. haha. si bugayong.. naguidance gawa ko kasi sinumbong ko kay mam pareja nung tinaas niya ung palda ko. hahaha. tapos anak anakan ko si bon bon. at ang "utak lamok" at "produce water" ni sir cargullo. pati ung quizzes niyang sinasabi na ung sagot mismo. hahaha.

2nd year - naging N na ko under ni sir villaluz. di ko makalimutan ung "pen and paper" at "pen and ink" na ikinapikon ni sir. haha. pinalayas niya kami sa room kasi mga "salaula daw kami. ung awayang jairah at aison na umabot ng matagal dahil sa mga pride nila. hahahaha. ang condemnation na ipinerform na bonggang bongga. hahahaha. naging close din kami ni olive kasi akalain mong magkababata pala kami dati. sa picture ko lang nakita nung bday ko e andun sila ng pamilya niya. at close pala mga pamilya namin.

3rd year - COCC. maaga papasok at late uuwi. nagbabadminton kami nila olive pag umaga at wala pa ung mga officers. napagalitan ni mam pareja kasi nagchichinese garter pa kami e ang tatanda na raw namin. wala ata mashado nung 3rd year ah. di ko matandaan. hehe.

4th year - MATATAG. hahaha. un na ang tawag sakin nila sir moji at mam de vera. tapos palaging excused at nasa library para gumawa ng para sa science fair. ANGELS ay nabuo. mga overnight kina lorenz. overnight na christmas party. tapos naging bat.staff ng basta na lang. haha. eto pa.. ang silent war ng group A at group B! hahaha. ang pagpapaiyak kay mam lim. ang cantonan kina jerica at late na pumasok at nahuli pa ni mam lim. pagpunta sa digital LG quiz bilang audience. hmm.. ano pa ba? wala na ko maisip pero alam kong marami pa. hehe
avatar
paula
Adik magpost

Number of posts : 44
Age : 30
Registration date : 2008-02-18

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  dope on Sun Sep 06, 2009 7:12 pm

@wau: takteng background yan, sakop isang pader ng bahay namen.

@coco: LOL sa talipusngo tragedy.

saka na lang ako magpopost, aalalahanin ko pa lahat. may memory gap na ako e.
avatar
dope
Pogi

Number of posts : 149
Age : 30
Location : SA BRIEF KO, nakasakay
Registration date : 2007-12-22

View user profile http://racobarrubia.multiply.com

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  wau on Mon Sep 07, 2009 8:31 am

@paula sumigaw ka rin ata dati ng TAAAAALUUUUUUUPPPPPAAAAADDDD HA! nyahahaha! dapat sinama mo rin mga lablayp mo!

@dope taena background un 2days before performance lang natin ginawa tae.tol inom ka vita plus mawawala yang memory gap mo. haha!
avatar
wau
"pinaka" The Best magpost

Number of posts : 205
Age : 31
Registration date : 2007-12-30

View user profile

Back to top Go down

hehehehe

Post  phrangckoh_sabaw on Mon Sep 07, 2009 12:13 pm

ung talipusngo tragedy my naiwan pang peklat sa deltoid q..

hehehehe
avatar
phrangckoh_sabaw
Walang magawa sa buhay

Number of posts : 174
Age : 30
Registration date : 2008-01-27

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  paula on Mon Sep 07, 2009 9:13 pm

@wau: di ako sumigaw ever. shy type ako eh. haha. si jerica ata sumigaw.. lablayp? wala naman eh. nyahahaha
avatar
paula
Adik magpost

Number of posts : 44
Age : 30
Registration date : 2008-02-18

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  wau on Tue Sep 08, 2009 8:10 am

@paula wala ba? is it a truth or a lie? nyahahaha!
avatar
wau
"pinaka" The Best magpost

Number of posts : 205
Age : 31
Registration date : 2007-12-30

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  buchi on Tue Sep 08, 2009 12:32 pm

First year, tropa ko pa si Tampol. Pumupunta pako sa kanila kapag me assignment na mahirap kasi gusto ko makita si Neil (LOL, crush ko si Neil Anne nung 1st year) HAhaha! Tas yung Westlife vs NSYNC group! Haha! LOL Owen at Mia.
Sino ba naman ang makakalimutan ang pakana ni Jed Sotong sa I-O? Nung namatay nanay ni Russel, pumunta kami sa libing sabay seryoso ng mukha tapos nakipagkamay pa ke Russel tapos sabihin ba naman "Congrats Russel ha" LOL. Lahat tuloy natawa. Tapos nung inaway namin ang "batang pareja" kasi ayaw namin maglinis at magbunot (hassle eh). Ayun! Nagmartial law ang matandang Pareja! Very Happy

Second year: Ako po ang main taartits ng ... "6 vietkong came through my village! And because of that, my village was bombed!" NYAHAHAH! TAENA Nagpatahi pa nanay ko ng costume kasi daw dapat matalbugan ko silang lahat dahil ako ang main character. LOLs. Dito ata nainlab sakin si Maan eh. Hahaha! LOL. Lagi kong kasama si Sarah tsaka si Libby. Tas puro katalandean lang. Kaya ata tumalande ako nung 2nd year eh. Hahaha!

Natatandaan ko lang nung 3rd year, lahat masaya! Wala kasing gumigising sakin kapag natutulog ako. Tapos ako pa Presidentend pulpol. Ayun na impeach tuloy! Hahaha. Pumalit sa pwesto ko ata, si Mamauag. Tapos peyborit naming laruin ni Jairah yung Sampung Piso Jackpot. Papaikutin si Jairah tapos dapat makalakad ng tuwid papunta sa sampung piso na nasa mesa. Pambili siomai. Haha!
Nabuo pa ang Tiklings (Aison Libby at mga payatot) VS Tighawats (Topher Buchi at mga blackheads) . Kaya masaya lagi ang araw namin nila Jairah. Hahaha!
Sa rover moot, Anak ng pileges! Sinali ako ni maam may sa pageant ba yun? Taena, talent portion, Walambuhay na NSYNC. LOL

Tas lagi ako inaangasan ni Prudente ata. O yung isang tropa nila. Nakapartner ko kasi si Rochelle sa sayawan. Tas nilalayo ko siya kapag practice, kasi ba naman, sobrang bigay sumayaw nadikit *tooooot* ko sa tiyan nya. Hahaha!

Tas ako pa naging captain ng volleyball. Bano naman ako eh. Hahahaha! Pogi ko talaga nung hi skul.

Pinakamasaya 4th year. Lagi na lang cutting at happy halfday! Woooot! Nabuo na kasi si bushwacker 1 at bushwacker 2 (LOL celvito). Puro nalang Yoyo Card hunting! Nyahahah! End of the year wala pakong research kaya ang ginawa ko, kinutsaba ko si Russel (Thanks Russel!) Ginawa nya ako ng website tas sya rin ang nag coding. Puro comment lang ginawa ko. Tas nahuli ako ni maam pareja at nasira ang morality ko. LOL. AYun wala tuloy akong finished product. Puro edited pictures lang sa paint. Nyahaha!


At ang pinaka-karumaldumal sa Science! Ang anak ng putakteng CLEARANCE! Taon taon na lang, nagsusummer ako dahil sa clearance na yan! hahahaha! Hindi na nabago! Takte!


Ay meron pa palang isa! Meron akong klasmeyt na nagpasama sakin tumae sa clinic! Hahaha! I secret ko lang daw ang kaganapang iyon sa buhay nya. Pawisan pa nung lumabas ng cr eh! Hahaha!
avatar
buchi
Naknakan ng adik magpost

Number of posts : 129
Registration date : 2007-12-05

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  wau on Tue Sep 08, 2009 1:10 pm

@buchi taena natawa ako dun sa dumidikit ang TOOOT mo sa tiyan nya.. sino ung tumae pre? wag na secret..lahat ng tao tumatae haha! ay uu nga pala, lahat ng tao tumatae pero hindi lahat lumalabas ng pawisan..lolz
avatar
wau
"pinaka" The Best magpost

Number of posts : 205
Age : 31
Registration date : 2007-12-30

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  paula on Wed Sep 09, 2009 1:37 am

haha. Eto ako ngay0n at nagnenet imbis na nagaaral kc may exam ako bukas. Waa. Panic m0de.↲↲@wau: hmm.. Wala ata ako maalala. Charing! Alaman naman na e. Hehe.↲@buchi: onga, past is past naman na. Cnu ung tumae? Haha
avatar
paula
Adik magpost

Number of posts : 44
Age : 30
Registration date : 2008-02-18

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  buchi on Wed Sep 09, 2009 4:45 pm

Hahahaha! Hindi pwedeng sabihin! Magagalit yun! Wahahaha! Pinag pramis ako eh! LOL.


Tae ka wau! Hahaha! Eh sa dumidikit eh. LOL
avatar
buchi
Naknakan ng adik magpost

Number of posts : 129
Registration date : 2007-12-05

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  celvito on Wed Sep 09, 2009 7:20 pm

@wau wahahahha tandang tanda ko nung 2-H nung natatae ka. amfffffff hahahahha pawis na pawis k n nun. namumutla k n nga e. hahahaha tpos ang taas ng score amf! hahahah tska nung nag overnight ata tau sa maragondon nun, nla tantan. nkahawak k ng tae sa may bilyaran. hahahahahaha wuhahaha swerte tae. hahaha
avatar
celvito
Mas adik magpost

Number of posts : 66
Registration date : 2008-02-07

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  pat on Wed Sep 09, 2009 7:47 pm

wahahaha! Laughing Laughing Laughing
avatar
pat
Puge

Number of posts : 125
Age : 31
Location : Naic Cavite
Registration date : 2007-12-08

View user profile http://patpa3ck.multiply.com

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  wau on Thu Sep 10, 2009 9:30 am

uu wahahaha! tapos nung naglaro basketbol swerte.. wahahaha! humawak na tae para maging swerte!
avatar
wau
"pinaka" The Best magpost

Number of posts : 205
Age : 31
Registration date : 2007-12-30

View user profile

Back to top Go down

..

Post  phrangckoh_sabaw on Sat Sep 12, 2009 2:50 am

i miz those tymz...
avatar
phrangckoh_sabaw
Walang magawa sa buhay

Number of posts : 174
Age : 30
Registration date : 2008-01-27

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  paolo on Sun Sep 13, 2009 5:44 pm

YUNG misteryosong tao na tumae sa clinic, isa lang naiisip ko e! haha..
Tanda ko nun, nakita ko silang naglalakad papunta sa clinic. Tapos nung nandun na sila sa may harap ng JICA Bldg, tumitigil sila para umupo. Sobrang humihilab na pala yung tyan nya kaya ganun. haha!

UNFORGETTABLE EXPERIENCES sa CNSHS:

Bago mag-1st year: ENTRANCE INTERVIEW kay mam pareja. Siyempre magkakasama kaming mga parochial babies at naghihintayan sa labas ng room kung saan nagaganap ang interview. TAGALOG ang sagot ko sa mga tanong ni mam pareja nun. tapos tuwing may kasama akong lalabas, papalakpakan ko. Nakakatakot kasi si mam pareja kaya pumapalakpak ako as a sign of congratulations kasi tapos na. Nung natapos na yung interview kay Maggie, nagulat kami kasi wala pa siyang 5mins sa loob. (pero pumapalakpak parin ako) nung kinakausap na namin siya, biglang may nagsalita sa likod. sabi, "Ikaw pala ang promotor ng pagtatagalog nyo? Gusto mo bang kahit hindi pa nagsisimula ang klase, kick-out ka na?". Si mam pareja yun. galit na galit.

1st year: Hindi ko alam kung bakit 1-N ako. nung nagpapakilala na yung mga classmates, nanliit ako. kasi kung hindi valedictorian, salutatorian silang lahat. tapos ako 12th honorable mention lang. haha..
PE class, nagja-jogging kami. Si eugene, kausap kami habang nagjajog pero nasa harapan namin siya. Nasa may harap kami ng library nun. maya maya, nakarinig kami ng "Dong".. tapos nakita namin si eugene, may vertical na bukol sa noo.
tanda ko pala, isa din ako sa mga kumukuha ng measurement ng rainfall, humidity, temperature, cloud type at cloud cover sa gitna ng field. para yata sa earth sci yun.
May science camp, intrams, at kung anu ano pa. hindi ko na nga lang masyadong maalala.

2nd year: 2H ako. si mam climacosa ang adviser. Dito ako napili bilang "Florante" sa FL. (buchi, maliit lang na role yung vietcong mo. bigtym ako dito sa FL. hahaha!) Dito yung exciting na swordfight scene namin ni Adrian Ilog! haha! Ito rin yung rendition ng FL na isa lang ang suot ng bida at ibang characters sa buong play.
DITO din sa year na'to naganap yung karumaldumal na christmas party. Takte muntik nko makik-out talaga. Eto kasi ang scene: May niyaya ka sumayaw para sana kausapin. nung nasa gitna na kayo, may eepal na yayayain din siya. anung gagawin mo? Naisip kong manuntok. kaso andun si mam pareja, nakatingin. scary. sa mga hindi nakakaalam, niyaya ko sumayaw si iche, tapos umepal si pardo. yun na yun.
Hindi ko din pala malilimutan dito yung clash ng klase vs the teeth. umiyak kasi si mam may nun.
Isa pa pala e yung kay mia. binigyan ko yun ng bear cuddler (na nawawala na daw) nung valentines. haha!

SUMMER: habang nagpapa-clearance si buchi, nag-baguio naman kami para umattend ng YES Camp. Nagpalamig lang kami at hindi sumasali sa mga activities (except sa pagkain).

3rd year: PINAKA-masaya sa buong HS ko. araw-araw, bonding. yung room kasi namin, isolated. kami kami lang talaga sa room ang magkakasama. Taena e si buchi ba naman ang president! tapos naging prof narin si vol... sir mojica. Nung 3rd year din nagbalikloob sakin si che. haha! tapos kaklase ko pa si tintin. haha. crush ko yun e.
Palagi din kaming wala sa klase kasi kasama sa camping, aattend ng forum, maglilinis ng bundok at kung anu ano pa. Eto din yung year na nag-thailand kaming tatlo nila kev at dope. tapos paguwi namin, nognog na kami. tapos nag-COCC ako. aarw araw, sumisigaw ng "Still Alive and Kicking Sir, Hike! Hike! Hike!" kahit pagod na. Nung third year din ako nagsindi ng isang box ng posporo tapos hinagis ko sa CR. Pagdating ni mam tenny, nagalit siya kasi ang kapal ng usok sa CR. Tinatanong kung may galit daw ba ako kay mam pareja at sa school kasi gusto kong sunugin.

4th year: "Simple Equation, You cannot solution? How can you graduation?!" nyahaha! hindi ako math elective pero nadinig ko 'to nung may naiwan ako sa room. 4th yr ko lang din nakilala si olive. (nakilala nang bespren level). sa lablyp naman, mejo hindi kami OK ni iche nito. HINDI naging kami nung HS. pero para namang ganun din. ewan ko ba. magulo e. dito din yung RESEARCH na ilang beses ako nakuryente. nauso din ang hapi half day. manonood kami nila buchi ng shaman king sa canteen tapos late na papasok sa english. nagimprove din yung canteen kasi may barbeque na. Tanda ko pa nga, kukuha kami ni jairah ng barbecue tapos hindi namin babayaran. iniisip namin na picnic lang para hindi mabigat sa konsensya. haha!
Isa pa, nung nasira nila reyman, iche at johanna yung digicam ni JC. haha.. kinalaban namin yung canteen nun! haha

ang haba na. next time nalang ulit pag may maalala nkong bago.
avatar
paolo
Medyo bumibisita sa site na to

Number of posts : 12
Age : 31
Location : sa harap ng 17" LCD Flat Screen Monitor
Registration date : 2008-04-20

View user profile

Back to top Go down

Re: Most Unforgettable Moment sa CavSci

Post  Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 1 of 3 1, 2, 3  Next

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum